top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagawaan ng mga pekeng plaka ni-raid, 2 arestado

Maeng Santos
Sep 28, 2019
1 min read

Timbog ang isang la­laki at kasabwat nitong babae nang salakayin ng mga aw­toridad ang isang bahay kung saan ginagawa umano ang mga pekeng plaka ng sasak­yan sa Caloocan City, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Rizan Gabo, 29, gra­phic artist, at Mary Manza­nero, 23.

Ayon kay Caloocan Po­lice Chief P/Col. Noel Flores, ala-1:30 ng hapon nang lu­subin ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit, HPG at LTO sa pangunguna nina P/Capt. Elany Vallangca at P/Capt. Edgar Miguel ang ba­hay ni Gabo sa bisa ng search warrant na inisyu ni Caloo­can Regional Trial Court (RTC) Judge Rosalia Hipo­lito-Bunagan ng Branch 232 dahil sa paglabag sa Article 178 ng Revised Penal Code o Falsification of Public Do­cuments.

Narekober kay Manza­nero ang walong pekeng li­cense plates na nakalagay sa kanyang backpack, habang 18 piraso ng sari-saring plaka, isang hot and cold la­mi­nator machine, computer at printer ang nasamsam kay Gabo.

Naniniwala ang pulisya na ang mga pekeng plaka na ginagawa ng mga suspek ay ginagamit ng mga kriminal sa kanilang mga getaway vehicle.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page