top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lagpas 2 months nang nabugbog, hindi na puwedeng magsampa ng kasong physical injuries

Dr. Persida V. Rueda-Acosta
Sep 28, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Maaari ko pa bang sampahan ng kasong slight physical injury ang taong nambugbog sa akin noong Enero? Hindi ako nakapasok sa trabaho ng dalawang araw dahil dito. — Erickson

Dear Erickson,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Act No. 3815 o mas kilala sa tawag na The Revised Penal Code. Nakasaad sa Section 265 nito na:

“Section 265. Slight serious physical injuries and maltreatment. The crime of slight physical injuries shall be punished:

  1. By arresto menor when the offender has inflicted physical injuries which shall incapacitate the offended party for labor from one to nine days, or shall require medical attendance during the same period; x x x”

Ayon sa nasabing batas, ang sinumang nakapanakit ng tao kung saan ito ay hindi nakapagtrabaho o tumagal ang paggaling nito ng isa hanggang siyam na araw ay maparurusahan ng pagkakakulong ng arresto menor mula sa isa hanggang 30 araw. Ngunit, ito ay maaari lamang maisampa sa loob ng dalawang buwan mula nang ito ay mangyari. Maliwanag na nakasaad sa Section 90 ng kaparehong batas na:

“Article 90. Prescription of crime. – x x x

Light offenses prescribe in two months. […]” (Binigyang-diin)

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page