top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Setyem­bre 28, 2019 (Sabado)

Maestro Honorio Ong
Sep 28, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 28, 2019 (Sabado): Lakas ng loob lang ang iyong kailangan para yu­maman. Kahit malakas ang loob ng iba, nabibigo pa rin sila.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mong gawin pero, unahin mo ang mga hindi mo nagawa noon dahil sa iyong pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-30-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinay-hinay lang. Pag-aralan mong mabuti ang bawat ikikilos mo nang sa gayun ay makaiwas ka sa masak­lap na kabiguan. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-13-20-28-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakaka­tuwa ang iki­kilos mo dahil kahit hindi ka nag-isip nang mabuti, ang maga­gandang kapalaran ay mapasasaiyo. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-yel­low. Tips sa lotto-1-18-21-24-35-45.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ito gabay ng iyong kapalaran, ito ay tiyak mong mararana­san kung saan mabibigla ka at masasabi mo ang iyong mga sama ng loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-29-38-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ha­wakan mo nang mahigpit ang iyong sarili at baka makawala ang ga­lit sa loob mo. Mas ma­gan­da pa rin ang magpa­ta­wad sa mga nagkasala sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-33-37-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang ta­­mang pa­na­hon para buuin ang plano na magpapaganda ng kinabukasan mo dahil hindi ka maaapektuhan ng mga gustong makialam sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-24-28-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong maghintay ang umaasa sa iyo. Kakaibang payo ito pero, sa kanilang paghi­hin­tay ay gagawa sila ng magagandang bagay na labis mong ikatutuwa. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-24-37-42-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi na­bubuhay ang tao sa pagsa­sak­ripisyo para sa iba. Mag­sakripisyo ka pero, dapat mo ring pahalaga­han ang iyong hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-17-20-21-25-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang manghihima­sok sa buhay mo dahil may sarili silang buhay na dapat asikasu­hin at ikaw ay ganundin. Ang ibig sabihin ng sarili ay hindi sa kanila. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-4-9-11-18-24-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Higit kai­lanman, pagi­ging mahina­hon ang iyong kailangan. Sa pagiging mahinahon, ang isipan at pang-unawa ay gu­magana kaya ang tao ay hindi magkakamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-20-24-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala kang pakialam kung mali o tama ang iyong sasabihin at ga­ga­win. Ang mahalaga ay ma­sabi at magawa mo ang mga gusto mo. Ito ay tiyak na mangyayari sa buhay mo. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-21-25-27-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matatapang at tatapang pa. Dumikit ka sa malalakas ang loob at lalakas din ang iyong loob. Sa ngayon, kung sino ang nasa tabi mo ay may malaking impluwen­siya sa buhay mo. Masu­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-14-19-20-24-36-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page