Criminology student, panibagong biktima ng hazing
- Levi Gonzales
- Sep 28, 2019
- 1 min read

Isang 18-anyos na criminology student ng Laguna State Polytechnic University ang dinala sa ospital makaraang magtamo ng mga pasa sa katawan dahil sa umano’y hazing.
Ayon kay Col. Eleazar Matta, Laguna Police Chief, ang biktima na first year criminology student ay nawalan ng malay noong Huwebes ng gabi.
Dinala ito sa Chinese General Hospital matapos makitaan ng hematoma sa kanyang binti at paso sa likuran.
Napag-alamang una nang nadala sa ospital ang estudyante matapos magtamo umano ng cerebrovascular accident.





Comments