top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

11-anyos nilapa ng buwaya

Jeff Tumbado
Sep 28, 2019
1 min read

Isang 11-anyos na la­laki ang halos mawalan ng braso matapos atakehin ng buwaya sa magubat na ba­hagi ng Ba­labac sa Palawan, kamakalawa.

Ayon sa pulisya, kasama ng biktima ang kanyang na­ka­tatandang kapatid na ba­bae at sakay ng bangka pa­uwi sa kanilang bahay mula sa isang seaweed farm sa Sitio Tag­panasan, Bgy. Bala­bac.

Ilang saglit pa nang big­lang umahon ang buwaya at inatake ang biktima kung saan nasakmal ang kaliwang braso nito.

Himalang nakaligtas ang bata at dinala agad sa Rural Health Unit ng Balabac.

Mabilis namang kumalat ang balita sa mga residente na malapit sa pinangyari­han at tinugis ng ilang mga kalalakihan ang bu­waya na umatake sa bata su­balit, hindi na ito nakita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page