top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wikang Filipino, hindi Ingles ang dapat ituro sa Kindergarten

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Sep 27, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Maaari bang Ingles ang salitang gamitin ng guro ng mga kindergarten pupil kahit Tagalog naman ang nasabing guro pati na rin ang kanyang mga pupil? —Bernard

Dear Bernard,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 3 ng Republic Act No. 10157 o mas kilala sa tawag na “Kindergarten Education Act” kung saan nakasaad na:

“SEC. 5. Medium of Instruction. – The State shall hereby adopt the mother tongue based multilingual education (MTB-MLE) method. The mother tongue of the learner shall be the primary medium of instruction for teaching and learning in the kindergarten level. x x x.” (Binigyang-diin)

Malinaw na nakasaad sa batas na ang mother tongue ng mga kindergarten pupil o ang dayalektong Tagalog sa sitwasyong ito ang dapat na ginagamit ng nasabing guro sa pampubliko o pribadong paaralan man sa kanyang pagtuturo sa kanyang mga estudyande na kasalukuyang nasa kindergarten level.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay.

Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page