Tiniyak ng palasyo.. Wala nang Ninja Cops

Wala na umanong ninja cops sa bansa na nangyari sa nakaraang administrasyon pero, talamak naman ang police scalawags sa kasalukuyan.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ang pagpupulong kamakalawa ng gabi nina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde sa Malacañang.
“That ninja cops syndicate happened prior to this administration. Those involved were either dead or have already been removed from the police force. In other words, they’re no longer there,” ani Panelo.
Ang pagkakaiba umano ng ninja cops sa police scalawags ay isang organisadong sindikato ang grupo ng ninja cops habang ang police scalawags ay mga pulis na sangkot sa ilegal na droga pero, hindi miyembro ng sindikato at kanya-kanya ng diskarte para kumita ng pera.
Una rito, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na sa kasalukuyan, 53 aktibong pulis pa ang ninja cops.





Comments