top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Silang mga reklamador, tsismosa, nega, inggitera etc... Taong toxic, dapat iwasan para umunlad

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Sep 27, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Ester ng Ester_Beng@face-book.com

Dear Señor, Gusto kong humingi ng payo kung ano ang sikreto para umunlad? 18 years old na ako sa October 5 at sana, mapayuhan ninyo ako dahil marami akong mga pangarap at gustong gawin sa buhay ko. Maraming salamat!

Naghihintay, Ester

Sa iyo Ester, Dahil ikaw ay may zodiac sign na Libra, likas sa iyo ang magkaroon ng maraming pangarap at gustong gawin sa buhay dahil ang zodiac sign na ito ay Air sign.

Ang unang payo ay ang madalas mong marinig na “read your Bible.” Kaya madalas nating binabanggit sa mga kolum natin ang mga nakasulat sa Bibliya ay hindi dahil ang tao ay dapat maging relihiyoso.

Alam mo, iha, nasa Bible ang sikreto ng buhay kung saan kapag malalim mong pinag-aralan ang mga nakasulat dito ay makatitiyak ka na hindi ka mabibigo sa iyong mga pangarap at magagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin.

Ayon sa nasusulat, “ang binhi na nahulog sa dawag, tumubo pero nainis sa mga damo kaya hindi ito umunlad at sa huli ay tuluyang naglaho.” Ibig sabihin, ang binhi ay napasama sa mga damo kaya siya ay napaligiran ng mga ito.

Siguradong narinig mo na ang sinasabing “get rid of toxic people in your life” dahil hindi umaasenso ang sinumang napaliligiran ng mga taong toxic.

Gayundin, kapag napaligiran ka ng mga taong toxic, matutulad ka sa binhi na sinasabi sa Bible na tumubo sa dawag kaya hindi umunlad.

Sinu-sino nga ba ang mga taong toxic?

1. Sila ang mga reklamador 2. Palaangal 3. Negatibo ang pananaw sa buhay 4. Tamad 5. Palaasa at umaasa lang sa kapwa 6. Palahingi 7. Paladaing 8. Maraming bisyo 9. Tsismosa 10. Palaimbento ng kuwento para manira ng kapwa 11. Molestiyador 12. Maramot 13. Kuripot 14. Masungit 15. Inggitera 16. Laging galit kapag nagsasalita 17. Para sa kanila, sila lang ang magaling

Muli, sila ay layuan mo para hindi ka matulad sa binhing napalilibutan ng dawag.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page