top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Parak, sugatan sa ambush

  • Pabs Hernandez III
  • Sep 27, 2019
  • 1 min read

NORTH COTABATO — Sugatan ang isang pulis nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Kitulaan, Carmen.

Ang biktima ay kinilalang si Sgt. Abejay Dandan, nakatalaga sa Police Region 12 Intelligence Division at residente ng Bgy. Kibudtungan sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon, pauwi na si Dandan lulan ng kanyang sasakyan nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Bagama’t, tinamaan ng bala sa katawan at sugatan ay nagawa pa ni Dandan na imaneho ang kanyang sasakyan patungo sa ospital. Inoobserbahan na sa ospital si Dandan, samantalang, nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page