Mga parents nila, magkasundung-magkasundo na raw… Derek at Andrea, umaming wala nang ligawan, insta
- Erlinda Rapadas
- Sep 27, 2019
- 1 min read

Sa araw na ito magaganap ang finale at pagtatapos ng The Better Woman na pinagbibidahan nina Andrea Torres at Derek Ramsay kasama sina Jaclyn Jose, Tommy Abuel, Ina Feleo, atbp..

Tiyak na hindi bibitaw ang mga viewers sa mga eksena at kaganapan sa The Better Woman kung saan matitindi ang eksena nina Jasmine, Juliet (parehong si Andrea) at Andrew (Derek).
Sa pagbisita namin sa set ng The Better Woman (na bale last taping na), maayos na humarap ang rumored couple na sina Andrea at Derek.
“We are happy and we are not dating anymore now,” sagot ni Derek sa tanong kung sila na ba ng leading lady niya sa The Better Woman.
Pero, halatang-halata at obvious sa kanilang body language na may something special na sa kanila.
Hindi raw nanligaw si Derek kay Andrea at hindi naman siya sinagot ng dalaga. Basta may naramdaman na lang daw silang “spark” habang magkasama sa The Better Woman at hindi na nila kailangang umamin nang diretsahan.
“Babe” ang term of endearment ni Andrea kay Derek at “Chinchin” naman ang tawag ng hunk actor sa kanyang leading lady at ang maganda pa, magkasundung-magkasundo ang mga parents ng dalawa at nagkasama nang mag-dinner.





Comments