Kahit marami nang namatay.. Sen. “Bato”, suportado ang hazing
- Pabs Hernandez III
- Sep 27, 2019
- 2 min read
TROPANG CAYETANO, NAGLILINIS-LINISAN SA “PORK BARREL” —Pinabulaanan ng tropa ni Speaker Alan Peter Cayetano ang ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na may isiningit na tig-P700 milyong “pork barrel” ang mga kongresista at P1.5 bilyon “pork barrel” naman sa 22 deputy Speakers sa 2020 National Budget.
Natural, maglilinis-linisan ang tropa ni Speaker Cayetano sa isyung ito kasi alam nilang lagot sila sa taumbayan dahil idineklara na ng Supreme Court (SC) na labag sa batas ang pork barrel, period!
***
MGA KAPALMUKS NA CONG., PINAGSO-SORRY ANG NAGBULGAR NA MAY PORK BARREL SILA — Nais ng tropa ni Speaker Cayetano na mag-public apology si Sen. Lacson kaugnay sa ibinulgar nitong may “pork barrel” ang mga kongresista.
Ganyan kakapal ang mukha ng ilang kongresista kasi ‘yung senador na nagbulgar sa isiningit nilang pork barrel sa 2020 National Budget ay ‘yun pa ang gusto nilang mag-sorry sa kanila, boom!
***
IMBES NA TUTULAN, IPINAGMALAKI PA NI SEN. DELA ROSA ANG HAZING —Matapos pumutok ang balitang hazing umano ang ikinamatay ni PMA Cadet Darwin Dormitorio, ipinagmalaki ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ang hazing daw sa PMA noong kadete pa siya ang dahilan kaya tumapang at naging disiplinado siya.
Hay naku, imbes na makiisa si Sen. Dela Rosa sa panawagang itigil na ang hazing sa PMA dahil meron nang mga namatay dito, sinuportahan pa, buwisit!
***
MGA ANTUKING PARAK, SIBAKIN! — Tatlong pulis ang nahuli kamakailan ni NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar na natutulog habang naka-duty.
Dapat sa mga ganyang antuking pulis ay tinatanggal na sa serbisyo. Mantakin ninyo, dinoble na ni P-Duterte ang kanilang suweldo tapos imbes na magdoble-sipag at maglingkod sa mamamayan, ang inaatupag ay matulog, mga pwe!





Comments