top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

IBF Champion Taduran, sasalang sa MP Promotions

MC
Sep 27, 2019
1 min read

Nakatakdang isalang sa mga fight cards ng MP Promotions ang bagong IBF Minimumweight fighter na si Pedro Taduran Jr.

Nabanggit ni Taduran sa 41st TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports) Usapang Sports sa National Press Club sa Intramuros, Manila kahapon na isang malaking karangalan at masuwerteng maalagaan siya ng promosyon ni Senador Manny Pacquiao para sa susunod niyang mga laban.

Umaasa ang tinaguriang “Heneral”, na makakakuha rin siya ng mas malaki at lukratibong mga laban sa ibayong dagat sa tulong ng MP.

“Gagawin ko po talaga ang lahat ng aking makakaya para maabot ang aking mga pangarap na mag-champion sa boxing at matulungan ang aking pamilya sa Albay,” ayon kay Taduran.

“Yun naman po talaga ang pangarap ko (become a world champion) simula mag-boxing ako nu’ng nine years old pa lamang ako,” paliwanag niya kasama ang manager-coach-trainer Art Monis.“

Kahit nung hindi ako nanalo sa unang laban ko para sa world championship, hindi ako nawalan ng pag-asa,” paliwanag ni Taduran, hinggil sa naging pagkatalo niya kay undefeated Wanheng Menayothin ng Thailand para sa WBC minimumweight crown noong 2018.

Nakopo ni Taduran, 22-anyos ang korona nang tigpasin kamakailan ang kapwa Pinoy na si Samuel Salva sa Marine headquarters sa Taguig City.Ang panalo ang nagpaangat sa record ni Taduran, 14-2, 11 knockoout. Ang Taduran-Salva match para sa bakanteng IBF crown ay ikalawang beses para sa 2 Pinoy na nagbakbakan para sa world crown sa loob ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page