Horoscope | Setyembre 27, 2019 (Biyernes)
- Maestro Honorio Ong
- Sep 27, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2019 (Biyernes): Malalaking tagumpay ang nakalaan sa iyo. Ang tagumpay na ito ay mas malaki kaysa sa mga pagsubok na dumaan sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo gamitin ang iyong pampabuwenas. Linisin mo ito at isuot. Hindi mo man alamin, ito ay parang bakal o metal dahil ang mga ito ay ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-16-20-28-34-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Higit mong mapakikinabangan ang mga bagay na ibinigay sa iyo ng iyong minahal at mga nagmamahal din sa iyo. Ito ang pinakamabisang panghatak mo ng mga suwerteng kailangan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-26-30-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Makatatanggap ka ng pagkilala at karangalan, halikan mo ang bagay na ipinagkaloob sa iyo dahil sa ipinakita mong galing at husay. Ito ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-19-29-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Ilabas mo ang simbolo ng pagmamahal sa iyo ng taong ayaw kang bitiwan. Ito ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-27-31-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makatatanggap ka ng balik-regalo sa mga niregaluhan mo. Ang mahalagang papel nito sa buhay mo ay ito ang hihila sa mga suwerte na nasa paligid mo papunta sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-22-29-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumang aklat na iyong paborito ang iyong ilabas ngayon. Buksan mo at ituturo sa iyo ang lumang pormula ng tagumpay pero, mapakikinabangan mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-18-23-39-40-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nabibili ang iyong pampasuwerte ngayon. Hindi rin bagay pero, tao ang iyong pampasuwerte at ito ay ang kilala mong lihim na may pagtingin sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-24-28-34-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang iyong panghila ng mga suwerte. Ito ay ang ngiti sa iyong mga labi. Kaya anuman ang iyong sitwasyon ngayon, ngumiti ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa langit at pilitin mong tanawin ang liwanag sa gilid ng mga ulap. Dahil kailanman, ito ay iyong panghatak sa pinapangarap mong magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-8-13-16-28-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi tao, hayop, halaman at mga bagay ang iyong pampasuwerte ngayon. Balik-balikan mo ang mga pagsubok na iyong ipinanalo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-20-25-26-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan, bilang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, pasayahin o galitin mo ang isa sa iyong mga kaaway. Ang resulta ay nakagugulat at ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-38-40-45-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - May pandekorasyon sa bahay ninyo na mula sa dagat. Linisin mo ito at alisin ang mga naipong alikabok. Ito ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-25-37-41.



Comments