top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Hamon sa PDEA: Mga drug lord sa iba‘t ibang sulok ng ‘Pinas, ibulgar na rin!

  • Ka Ambo
  • Sep 27, 2019
  • 1 min read

HINUBARAN na ang “drug queen” ng Maynila. Bakit ngayon lang?

***

MALAKI ang papel ng PDEA sa giyera kontra ilegal na droga.

Dapat na rin nilang ibunyag ang iba pang drug lords sa bawat bayan at barangay!

***

MAS mainam kung palalakasin ang puwersa ng PDEA sa bawat barangay. ‘Yan ang seryosong solusyon!

***

MAY bagong fast water craft ang Philippine Navy. ‘Yan ay napakalaking tama!

***

ISANG archipelago ang Pilipinas, dapat bigyan ng prayoridad ang Navy at Philippine Marines. Dapat ang mga seashore town ay may kani-kanyang Navy-Marine Forces!

***

DAPAT organisado at palakasin ng Department of Agriculture (DA) ang hanay ng mga mangingisda sa lahat ng isla at bayan na nasa baybaying- dagat. Bakit walang suporta ang mga mangingisda mula sa pamahalaan?

***

MALAKAS ang suporta sa pagpapaliban ng barangay election. Hindi ba puwedeng gumawa ng batas na nagbabawal sa pagpapaliban ng alinmang eleksiyon?

***

ANG alinmang halalan ay kaluluwa ng demokratikong gobyerno. Ang pagpapaliban sa alinmang halalan ay pagpapahina sa gulugod ng demokrasya. Pagkakait din ito ng karapatang bumoto nang maayos para sa mamamayan!

***

BINOBOLA at kinukuha ng mga elected solon ang simpatya ng mga incumbent barangay captain para mapansin sila tuwing eleksiyon. Isang klase rin ito ng paglabag sa moralidad at Konstitusyon!

***

IMMORAL ang pagpapaliban ng halalan at pagtanggal ng budget sa nakatakdang eleksiyon. Kapag may nagreklamo sa Korte Suprema, tiyak na papaboran nila ang pagpapatuloy ng barangay election sa Mayo 2020!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page