Grade 2 ni-rape, pinatay

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek sa panghahalay at pagpaslang sa pitong taong gulang na babae sa Buenavista, Agusan del Norte.
Bago nadiskubre ang bangkay ng Grade 2 pupil na itinago sa pangalang Maui ay iniulat na nawawala ang biktima.
Ayon sa Buenavista Municipal Police Office, lumabas lang umano noong Linggo ng gabi mula sa bahay ng kanyang lola ang bata kung saan siya inihabilin muna ng mga magulang.
Gayunman, Miyerkules na nang matagpuan ang bangkay ng menor-de-edad sa masukal na bahagi ng Bgy. Manapa.
Kumbinsido ang pulisya na hinalay muna ang biktima bago pinatay ng suspek.





Comments