top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

4 Sayyaf, timbog

  • Jeff Tumbado
  • Sep 27, 2019
  • 1 min read

Tiklo sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang apat na miyembro ng ISIS linked terrorist group na Abu Sayyaf sa Lungsod ng Zamboanga.

Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga nadakip na ASG members dahil nagpapatuloy pa ang operasyon laban sa iba nilang kasamahan.

Pasado alas-3:00 ng madaling-araw ng Huwebes nang ilunsad ang operation ng Joint Task Force Mindanao at Zamboanga Provincial Police Office ang raid sa pinagkukutaan ng mga suspek na isang boarding house sa Bgy. Baliwasan.

Nakumpiska sa apat ang iba’t ibang bala at mga sangkap sa paggawa ng pampasabog.

Una na umanong nakatanggap ng intelligence report ang militar kaugnay sa plano ng grupo na magsagawa ng serye ng pambobomba sa Zamboanga City.

Pinaniniwalaan namang napigilan ang pag-atake ng naturang grupo na ang target ay ang nakatakdang pagdaraos ng Hermosa Festival sa nabanggit na lungsod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page