Safety measures, ilulunsad nang masawi ang 7 paddlers

Nagpahatid ng simpatiya ang Philippine Dragon Boat Federation (PDBF), ang National Sports Organization ng bansa sa isang liham hinggil sa pagkasawi ng 7 mananagwan sa karagatan ng Boracay kahapon ng umaga.
Naghahanda ang Boracay Dragon Force para sa isang International Tournament sa dagat ng Sitio Lingganay sa Barangay Manoc-Manoc, may 300 metro ang layo sa isla nang hampasin ng alon ang kanilang 20-seater boat at tumaob ito. Ang team ay sasagupa sana sa Taiwan.
Agad namang rumesponde ang Philippine Coast Guard pero 14 lamang na miyembro ang nasagip sa team. May 4 na lalaki at 3 babae ang sinasabing nalunod habang 7 lalaki at 7 female paddlers kasama ang isang Tsino at Ruso ang nakaligtas.
Pito ang kumpirmadong nasawi na kinabibilangan nina Vince Natividad, Richel Montoya, Antonnette Supranes, Mark Vincent Motag at mag-asawang sina Yohan at Maricel Tan, habang hindi pa natatagpuan ang katawan ni Comar Acob.
Sa inilabas na statement ng PDBF, nag-alay ng panalangin at paalala sa lahat ng mga dragon boat paddlers na panatilihin ang matinding pag-iingat “While we are aware of the perils that enviably go with dragon boating as an extreme water sport, the PDBF advocates and gives utmost priority to safety.” Magsasagawa rin umano ang PDBF ng libreng serbisyo sa lahat ng dragon boat clubs sa Pilipinas, miyembro man o hindi ng PDBF, para sa tamang kaalaman sa water safety protocols hinggil sa pagtaob o paglubog ng bangka o anumang emergencies na puwedeng mangyari sa oras ng page-ensayo o torneo.





Comments