top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ibinulgar na pork barrel insertions, sablay.. Lacson, pinagso-sorry ng mga Cong.

  • Jeff Tumbado
  • Sep 26, 2019
  • 2 min read

Pinagso-sorry si Senador Panfilo ‘Ping’ Lac­son kaugnay sa pag-aakusa nito sa Kamara na pagsisingit ng multi-bilyong pisong pork barrel sa panukalang 2020 National Budget.

Ayon kay Capiz Con­gress­man Fredenil Castro, mali at walang basehan at walang mailabas na ebiden­siya ang senador sa paratang nito na may tig-P1.5 bilyon para sa mga deputy Speaker at P700 milyon sa bawat kongresista.

Sa kanyang privilege speech sa plenaryo, tinawag nitong reckless at irespon­sable si Lacson ngunit, hindi naman niya maituturing na sinungaling ang senador.

“In order to confirm that indeed he is a soldier, Sen. Lacsopn could be sensible enough to realize what he has done and what he has da­maged this institution by extending an apology, a sincere apology to this ins­titutional and to all members of this House of Representa­tives,” ani Castro.

Aniya, sana ay tinanong muna ni Lacson ang mga dating kasamahan nito sa Senado na ngayon ay sina Spea­ker Alan Peter Cayeta­no at Antique Rep. Loren Le­garda kung totoo ang na­sagap na tsismis.

Tinawag din ni Castro na isip-bata o immature si Lac­son at hindi rin katanggap-tanggap ang pagdadahilan na ang ibinulgar na pork bar­rel insertions ay plano palang at hindi itinuloy.

“Sen. Ping, halatang-halata naming palusot mo na itong bago mong sina­sabi. Aminin mo na nakur­yente ka. Kaya’t mag-sorry ka sa amin dahil ang mga mali mong alegasyon ay nakakasira hindi lamang sa reputasyon ng bawat mam­ba­batas kundi ng imahe ng institusyon ng Kongreso,” ayon pa kay Castro.

Naniniwala rin si House Minority Leader Bienve­nido Abante, Jr., na nararapat na humingi ng paumanhin ang senador sa mga mamba­ba­tas at sa institusyon na na­sira ang imahe sa maling pagbu­bunyag nito.

Sinabi naman ni House Majority Leader Martin Ro­mualdez na walang kato­to­hanan ang mga alegasyon ni Lacson at hiniling sa se­nador na pangalanan niya ang pinagkuhanan ng maling impormasyon.

Ayon naman kay Senior Deputy Majority Leader Je­sus Crispin Remulla, nag­tataka siya kung saan naku­ha ni Lacson ang mga para­tang na para bang ang punto ay siraan lamang ang imahe ng Kamara sa halip na maki­pag­tulungan na lamang para maisulong ang mga progra­mang reporma ng pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page