Dagdag-presyo sa noodles, sardinas at iba pang canned goods

Pag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga canned foods manufacturer na magtataas sila ng presyo ng kanilang produktong de-lata kabilang ang mga instant noodles, sardinas at iba pang processed food.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, humiling ng dagdag-presyo ang mga manufacturer ng mga de-lata dahil umano sa pagtaas ng presyo ng mga raw material at tin plate na gamit sa paggawa ng kanilang produkto.
Idinagdag pa ng opisyal, sakaling tumaas ang presyo ng ilang mga produktong de-lata ay maglalaro lamang ito ng mula piso hanggang tatlong piso.
Kaugnay nito, tiniyak ni Lopez na maglalabas sila ng panibagong suggested retail price (SRP), tungkol sa ipatutupad na panibagong dagdag-presyo sa mga processed na produkto.





Comments