Blue Eagles, bumida sa 6th wins; NU, nagwagi na
- VA
- Sep 26, 2019
- 1 min read

Rumatsada ang Ateneo de Manila sa third period upang makabawi sa malamig nilang laro sa unang dalawang yugto ng laro para mapataob ang University of the East, 85-68, kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa MOA Arena.
Kumamada ang Blue Eagles ng 32 puntos sa third canto na naging daan upang makamit ang ika-6 na sunod nilang panalo.
Nag-iwan pa sila ng Red Warriors, 34-35 sa halftime, bago naglatag ng 23-5 run sa 3rd quarter upang itayo ang 57-40 kalamangan na umabot pa sa 69-47 kasunod ng triple ni Adrian Wong.
Pinamunuan ni Angelo Kouame ang panalo sa itinalang 16 puntos, 12 rebounds, 3 blocks at 2 assists kasunod si Thirdy Ravena na may 15 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 2 blocks.
Sa kabilang dako, nalasap ng UE na pinangunahan ni Rey Suerte na may 25 puntos, tig-6 na rebounds ang ika-5 nilang kabiguan sa loob ng anim na laro.
Sa unang laban, nakapasok na rin sa wakas ng winners circle ang National University matapos talunin ang FEU, 61-39. Simula pa lang ay nakita na ang determinasyon na bigyan ng panalo ang koponan ni Dave Ildefonso nang pasiklabin ang 16-4 na panimula ng NU.





Comments