top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Suwerte ang 13th Wins sa SBU; LC, may tsansa sa Final 4

A Servinio
Sep 25, 2019
2 min read

Madaling nakamit ng defending champion San Beda University ang ika-13 sunod na panalo sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) kahapon sa FilOil Flying V Centre. Bumanat agad ang Red Lions at itinala ang 91-76 na panalo sa San Sebastian College. Bumuhos agad ng 30 puntos ang San Beda sa unang quarter pa lamang at lumayo ng todo, 30-17, salamat sa mga mainit na kamay nina James Canlas Kwekuteye, Calvin Oftana, Clint Doliguez at reserbang si AC Soberano. Kahit minsan ay hindi nakatikim ng lamang ang Stags upang bumagsak sa kartadang 7-5 panalo-talo.

Ginawa ni Canlas Kwekuteye ang 15 sa kanyang 20 puntos sa first half kung saan lamang ang Red Lions, 51-43. Lima sa kanyang mga kakampi ang nagtapos na may 10 o higit pang puntos sa pangunguna ni Donald Tankoua na may 18 puntos at 7 rebounds.

Sa pangalawang laro, lalong gumanda ang pagkakataon na makapasok sa Final 4 ang Colegio de San Juan de Letran matapos nilang patumbahin ang College of Saint Benilde, 87-74. Ito na ang ika-9 na panalo ng Knights sa 13 laban at nanatili sila sa ikatlong pwesto sa likod ng San Beda at Lyceum of the Philippines University (9-3).

Sinayang ng St. Benilde ang 40-36 na lamang sa halftime at malaking bagay ang maagang pagkawala ng mga pambatong sina Edward Dixon at Justin Gutang dahil sa limang foul. Sinagot ito ng free throws ng Knights upang tiyakin ang panalo. Pinasok ni Fran Yu ang 13 ng kanyang 19 puntos sa last quarter, karamihan ay galing sa free throws. Nanguna para sa Knights si Renato Ular na may 20 puntos habang nagdagdag ng 13 puntos si Edson Batiller at 10 galing kay Larry Muyang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page