top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

PSC, aarkila ng equipments para magamit sa PHL SEAG

  • Gerard Arce
  • Sep 25, 2019
  • 1 min read

Posible umanong rentahan na lang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ilang mga equipment na gagamitin para sa nalalapit na pagbubukas ng 30th edisyon ng Southeast Asian Games sa iba’t ibang panig ng Luzon sa susunod na taon. Aminado si PSC chairman at Chef De Mission William “Butch” Rami­rez na hindi pa 100% na handa ang mga lugar na gagamitin para sa biennial meet gayun­din ang problema sa pagku­ha ng mga equipment na gagamitin.

Inamin umano ng pinuno ng ahensya ng pampalakasan na gipit na umano sa oras ang ahensiya para sa mga equipment na gagamitin ng halos 56 sports at halos aabot daw ito sa P500-M halaga ng mga equipment.

Dumalo si Ramirez sa pagpupulong ng mga mam­babatas sa House Committee on Youth and Sports, dito ay inamin niya na nagka­karoon nga ng problema sa pagkuha ng equipment at umaasang mabibigyan ng Commission on Audit ng exemptions upang mapabilis ang pag­kuha ng mga equipment.

Sinabi rin ni Ra­mi­rez na mahigit sa kalahati ng P6-B o halos P4-B na nakalaan para sa biennial meet ay nagmula sa Department of Budget and Management (DBM) ay para sa pagkuha ng mga equipment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page