top of page

Panawagan sa mga guro, pagdidisiplina sa estudyante, gawin sa tamang paraan

  • Ryan B. Sison
  • Sep 25, 2019
  • 2 min read

Pinaluhod sa graba at asin.

Ito ang sinapit ng Grade 8 student sa isang paaralan sa Midsalip, Zamboanga del Sur ma­tapos itong tumawa habang nasa misa.

Magkahalong galit at sama ng loob ang na­ramdaman ng nanay ng bata matapos mala­man ang sinapit ng anak.

Giit ng ina, puwede namang parusahan sa ibang paraan ang bata.

Ayon sa mga saksi, dinala ng guro ang estud­yante at iba pang kasama nito sa bakanteng klasrum para parusahan matapos marinig na tumatawa.

Desidido ang pamilya ng estudyante na magsampa ng kaso laban sa guro.

Samantala, hindi maiwasang ikumpara ang paraan ng pagdidisiplina noon sa ngayon kaya nakakuha ito ng iba’t ibang komento sa socmed kung saan maraming nagsasabing tama lang ang ginawa ng guro habang ayon sa iba, mali umano ang paraan ng pagdidisiplina ng natu­rang guro.

Pero ang tanong, kailangan ba talagang magkasakitan at magkademandahan?

Sa totoo lang, ang disiplina ay dapat mag­si­mula sa tahanan kung saan ang mga magu­lang ang responsable rito.

At pagdating sa paaralan, tung­kulin ng mga guro na panatilihin ang pagdi­disiplina sa tamang paraan.

Bagama’t, gusto nating madisiplina ang mga bata, dapat itong gawin nang tama at sana, huwag nang humantong sa pananakit sa mag-aaral.

Totoong hindi dapat kunsintihin ang mga ma­ling asal, pero dapat silang disiplinahin sa tamang paraan tulad ng pagbibigay ng war­ning, community service at suspension.

Gayundin, ikonsidera natin ang magiging epekto nito sa bata.

Kung parurusahan sa gani­tong paraan ang estudyante, tiyak na mapapa­hiya ito at ang malala, baka hindi na pumasok sa iskul. Tsk!

Sana, hindi na maulit ang ganitong insi­dente ng pagdidisiplina.

Kaya ang panawagan sa mga kinauukulan, mga titser na mananakit para mag­disiplina, huwag kunsintihin!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page