top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Negang-nega na raw ang image… Hirit ni Alex: Wa' akong paki sa mga nagsasabing masama ang ugali

  • Ronalyn Seminiano
  • Sep 25, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Idinenay ng aktres at vlogger na si Alex Gon­zaga ang diumano’y pang-iisnab niya kina Ken Chan at Rita Daniela.

Ayon sa post ng beteranang aktres na si Ms. Lolit Solis sa Instagram noong Sept. 23, inisnab ni Alex ang dalawang Kapuso artists na sina Ken at Rita. Aniya, nakaka-frustrate ang naging “rude behavior” ng Kapamilya artist sa magka-love team.

Mababasa sa post ni Ms. Lolit na parang super-naimbiyerna siya sa vlogger-actress dahil sabi niya, “‘Kaloka at kainis ang nalaman kong nang­yari sa isang airport sa Mindanao kung saan pumunta ang mga taga-ABS at GMA stars, Salve.

“Karapatan naman ng kahit sinong tao ang hindi pansinin kung sino ang bumabati sa kanila. Okay lang dahil ‘pag ayaw mo, di huwag, ‘di ba? Mas mabuti nga iyon dahil walang plastikan. Pero ang maituturing mong kabastusan ay ang nilapitan ka na at nagpakilala sa iyo, lalo pa kapwa mo artista, siguro naman hindi ganoon kamahal ang ngiti mo, lalo na at kasa­mahan mo sa trabaho.

“‘Pag nakita ko sina Ken Chan at Rita Daniela, tala­gang pagsasabihan ko sila dahil you are how you treat yourself. Ok, totoo man na gusto nila at fan sila ng pagi­ging vlogger ni Alex Gonza­ga, just admire from a distance.

“Ang kuwento, nagkasa­bay sila sa airport at nilapitan nina Ken at Rita si Alex Gon­zaga at sinabing fan sila ng vlog site nito. Tumango lang daw si Alex at parang dedma. Wow. Snob? Big star?

“Actually, kina Ken at Rita ako nainis, ha? Artista sila, hindi sila dapat umarte na parang bigger star si Alex. Naku, tingnan nga natin kung sabay na nasa gitna ng crowd silang 3 kung sino ang may mas malakas na tili, sure ako mas malakas si Ken Chan. Si Rita, baka mas malakas pa kaysa kay Alex ‘noh. Taray.”

Siyempre, hindi magpapatalo itong si Alex kaya naman sa naturang post ay nag-comment siya para idepensa ang sarili. Sinabi niyang hindi niya inisnab ang dalawa at binati pa nga niya ang mga ito sa airport.

“Ayyy, Nanay Lolit, ‘di po tayo magkakilala pero sino po ang source n’yo? Mukhang mali ata kasi nagkamayan at nag-‘hi’ pa po kami sa isa’t isa at lahat ng iba pang GMA artists sa lounge. Ni-retweet ko pa si Ken noon dahil nag-Chambe-Chambe s’ya. Lastly, salamat po sa mga salita n’yo tungkol sa ‘kin, ah, heartwarming,” ani Alex.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na minsan nang may nakasagutan din ang aktres sa airport kung saan sumingit daw ito sa pila na ipinaliwanag naman ni Alex.

Dahil dito, may isang netizen na hindi napigilang magtanong kung bakit palagi na lang nai-involve sa mga issues itong si Alex na sinasabing pangit ang ugali niya.

Sabi ng netizen, “Hi, Alex, why ka ba laging nai-issue na may bad attitude? Ang ganda mo pa naman, sayang kung laging ganyan. I hope mabago na ang ganyang image mo. Pero kung ‘di mo kayang baguhin how you treat some people, still your choice, what comes around, goes around.”

Dahil medyo patola nga itong si Alex, sinagot niya ang netizen. Aniya, “Siguro kasi loud ang image ko and my humor that’s why people can make up stories about me na puwede kang maniwala. It’s okay. My real friends and family know who I am.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page