top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lifesavers, nagparamdam ng lakas vs. Marinera sa PSL

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 25, 2019
1 min read

Kitang-kita na ang pagiging bihasa ng Gene­rika-Ayala sa una nilang salang sa laro nang domi­nahin ang Marinerang Pilipina, 25-19, 25-23, 25-17 sa opening salvo ng Philippine Superliga Invitational Conference ka­hapon sa Bacoor STRIKE gym sa Cavite. Nagpaka­bog sa laro sina Open spikers Fiola Ceballos, Mean Mendrez at Patty Oren­dain nang kanilang tigpa­sin ang depensa ng Lady Skippers sa bisa ng mala­lakas na hataw mula sa simula hanggang mag­ta­­pos.

Tumapos sina Ceballos at Mendrez ng tig-12 pun­tos habang si Oren­dain ay may 10 puntos para sa Life­savers na kaila­ngan lamang ng 1 oras at 25 minuto para tapusin na ang laro sa Pool B action.

Impresibo pa rin ang laro ng Lifesavers kahit wala si skipper Angeli Araneta dahil sa knee injury na natamo noong All-Filipino Conference ng nakaraang buwan. “It was a good momentum-buil­der for us,” saad ni Ce­ballos. “It feels good to kick off the conference with a win and we hope we can continue this kind of intensity.”

Mahusay na laro ang ipinamalas ni setter Jamie Lavitoria sa ginawang 13 excellent sets at 15 digs habang si dating UST star Ria Meneses ang nama­hala sa depensa at naka-7 puntos. Umangat din ang laro nina Libero Bia General sa bisa ng 28 digs at 6 excellent receptions upang punan ang papel ni national team member Kath Arado na nanggaling pa sa laro sa Asean Grand Prix sa Nakhon Ratchsima, Thailand.

Nag-iisang binalikat ni Cesca Racraquin sa bisa ng 14 puntos at 21 digs ang laro pero nasayang din at lagapak sila sa 16th straight loss kasama na ang nakaraang conference. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page