top of page
Pokwang.jpg

Kung mga ex-GF ng aktor na sina Solenn, Angelica, Cristine, hindi… Andrea, game na game kahit saan b

Erlinda Rapadas
Sep 25, 2019
1 min read

Mukhang hindi na nga basta-basta mapaghihiwalay sina Andrea Torres at Derek Ramsay kahit tapos na ang teyping ng serye nilang The Better Woman.

Base sa kanilang post sa social media, nagkakasama pa rin sila at balitang golf buddies pa. Madalas na isinasama ng aktor ang sexy Kapuso star sa kanyang paglalaro ng golf na isa sa mga fave sports ni Derek at mukhang naim­pluwen­siyahan na rin niya si Andrea. Tiyak, mas mapapalapit nang husto si Andrea sa puso ng leading man niya sa The Better Woman.

It seems natagpuan na nga ni Derek ang perfect woman na puwedeng wife material sa katauhan ni Andrea Torres. ‘Yung mga naunang GF ni Derek na sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban, Cristine Reyes at Joanne Villablanca, mukhang walang hilig sa sports. Si Andrea ay game na game at kayang suma­bak kahit sa golf.

Hindi na nakapagtataka kung nauwi sa totoha­nang romansa at relasyon ang role nila sa The Better Woman. Swak na swak sila sa isa’t isa. Perfect ang kanilang tandem.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page