Beshy, make sure na meron ka ng lahat ng ito... Top 10 vitamins na kailangan ng katawan
- BULGAR

- Sep 25, 2019
- 2 min read

Lahat ng mga bitamina ay mahalaga para mapanatiling malusog ang ating katawan. Pero, alam n'yo ba na may “Top 10” vitamins na higit na importante para manatili tayong malusog?
At para sure na hindi tayo magkakasakit, sabay-sabay nating alamin kung anu-ano ang mga bitaminang ito:
1. MAGNESIUM. Ito ay may mahalagang role sa muscle contractions. Gayundin, para itong muscle relaxant at nakatutulong para maging smooth ang mga ito. Maaari itong makuha sa spinach at iba pang dahong gulay, almond at beans.
2. CALCIUM. Ang mineral na ito ay mahalaga para sa buto at kalusugan ng mga ngipin. Ang ilan sa mga natural resources ng calcium ay gatas at iba pang dairy products.
3. VITAMIN A. Ang bitaminang ito ay nakatutulong para sa ating immune system. Gayundin, karaniwang nakukuha ito sa carrots at iba pang pigmented vegetables. Puwede rin itong makuha sa karne, partikular na sa atay. Ayon sa mga eksperto, kilala rin itong carotenoid na nakabubuti sa mga mata at nakatutulong na panlaban sa chronic diseases.
4. VITAMIN B-12. Ito ay co-enzyme na mahalaga sa pagko-convert ng pagkain para maging enerhiya sa katawan. Puwede itong makuha sa pills, liquid at injections. Kung ikaw ay vegan, maaari itong makuha sa yeast.
5. VITAMIN C. Kilala bilang ascorbic acid na tumutulong sa pag-repair ng tissue sa ating katawan. Puwede rin itong antioxidant na nakatutulong para ma-neutralize ang free radicals na pinaniniwalaang nakapagpapatanda ng mga cells. Puwede itong makuha sa orange juice, cherry, red pepper, kale at iba pang citrus fruits.
6. VITAMIN D. Importante ang bitaminang ito para sa buto at colon. Nagdye-generate ito kapag na-expose ang balat sa araw. Sa panahon ngayon, hindi na masyadong nae-expose sa araw ang mga tao kaya marami ang umaasa sa supplement Vitamin D3 para ma-maintain ang healthy level nito. Ang mga pagkaing mayroon nito ay ang broccoli, egg yolk, cereals at fatty fish.
7. OMEGA-3. Bitaminang nakatutulong para sa ating puso ito ang nakukuha mula sa mga isda at fish oil. Ang mga pagkain na may Omega-3 ay nakatutulong sa cardiovascular health, brain function at mood.
8. IRON. Ito ang responsable sa pagiging kulay pula ng dugo. Ang iron deficiency o anemia ay may kaugnayan sa sakit tulad ng lupus. Ayon sa mga eksperto, puwede itong makuha sa clams, atay, beans at spinach.
9. POTASSIUM. Ito ay electrolyte na nagpapanatiling hydrated sa katawan. Gayundin, sumusuporta ito sa blood pressure, muscles at paghinga. Natural na mapagkukunan ng potassium ang mga gulay at prutas, partikular ang saging.
10. Coenzyme Q10. Ang Co-Q10 ay kilala rin bilang ubiquinol. Kumikilos din ito bilang antioxidant na pinoprotektahan na hindi ma-damage ang mga cells at importante para sa ating metabolism.gayundin, isa itong potent antioxidant. Puwede itong makuha sa atay, mani, shellfish at karne ng baka.
Mga ka-Bulgar, ang mga nabanggit na bitamina ay hindi lang basta kailangan ng ating katawan dahil mahalaga ang mga ito para manatili tayong malusog at ligtas sa mga sakit. Dahil nabanggit din kung paano makukuha ang mga ito sa natural na pamamaraan at supplements, make sure na seseryosohin ang pagkain ng mga ito para hindi mapabayaan ang kalusugan natin, ha? Copy?




Comments