top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ayaw makipagbalikan.. Misis minartilyo ni mister, patay

Mylene Alfonso
Sep 25, 2019
1 min read

Photo: Manila Public Information Office

Todas ang 39-anyos na lady traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang martilyuhin ng kanyang dating kinakasama, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Concepcion Romero, empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau at residente ng Balut, Tondo habang ang suspek ay si Roderick Capulong, walang trabaho.

Batay sa imbestigasyon ni PMSG Jansen Rey San Pedro, alas-2:40 ng madaling-araw nang madiskubreng duguan ang ginang ng kanyang 16-anyos na anak na babae.

Agad niya itong ipinagbigay-alam sa tiyahin na si Margaret Bancoro, 46, kapatid ng biktima at agad na dinala sa Tondo Medical Center ngunit, alas-4:34 ng madaling-araw nang ideklarang patay ni Dr. Gian Carlo Rabago.

Nauna rito, dumating umano sa bahay ang suspek at nagawa pa nitong halikan ang dalawa nitong anak sa biktima. Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa pagpapaluin nito ng martilyo sa ulo ang ginang saka tumakas.

Nabatid na matagal nang hiwalay ang mag-live-in partner at posibleng pinipilit nito ang biktima na makipagbalikan pero, tumanggi ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page