Traffic enforcer at rider nag-jack-en-poy
- BULGAR

- Sep 24, 2019
- 1 min read

Sa halip na magtalo, nag-jack-en-poy ang traffic enforcer at nahuling moto-rista sa General Santos City, kahapon.
Idinaan ng traffic enforcer sa jack-en-poy ang paniniket sa rider na nahuling nakatsinelas habang nagmo-motor. Ayon sa enforcer, nagkasundo sila ng rider na kapag natalo niya ito, isusurrender ng motorista ang kanyang lisensiya at motorsiklo.
Paraan aniya ito para palamigin ang ulo ng mga motorista. Manalo o matalo, tinitiketan niya ang mga lumalabag sa batas-trapiko. May multang P500 hanggang P1,000 at pagkakatanggal ng lisensiya ang mga lalabag dito. (BRT)





Comments