top of page

Tamang ugali ng mga Pinoy ‘yan... Mga kasabihang makakatulong para makapag-ipon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 24, 2019
  • 2 min read

Tayong mga Pinoy ay kilalang hirap pagdating sa pag-iipon dahil likas sa atin ang pagiging mapagbigay. ‘Yung tipong ang dami na nating bayarin pero kapag may dapat i-celebrate, mabilis tayong magbigay nang pang­handa. Hays!

Gayunman, mayroon tayong ilang ka­sabihan na pu­wedeng maging inspirasyon sa pagkakaroon ng disiplina sa pag-iipon. Anu-ano ang mga ito?

1. ‘PAG MAIKSI ANG KUMOT, MATUTONG MAMALUKTOT. Ibig sabihin, kapag gipit, huwag nang ipilit. Nga­yong usung-uso ang online shopping, sale at mga promo, nakakaeng­gan­yong gumamit ng credit card o mangu­tang para sa luho. At ang kadalasang palu­sot ay “baba­yaran ko naman sa susunod na suweldo.” Kapag hin­di afford, huwag nang ipilit para hindi ma­baon sa utang.

2. ‘PAG GALING SA BULA, MA­DALING MA­WALA. Easy money ba? Kung sandali lang pinaghirapan ang pera, mabilis din itong mawawala. Tandaan, ang lahat ng bagay na nagbibigay ng ginhawa at kaligayahan ay kaila­ngang paghirapan. Okie?

3. DALA NG MAAGAP ANG MA­SIPAG. Kung gusto mong magtagumpay, magsimula ka nang maaga. Parang pagha­handa lang ‘yan sa iyong pagtanda. Hangga’t maaga pa at malakas pa ang iyong katawan, may pagkakataon pang mag-ipon para sa future. Kapag may edad ka na, kahit anong sipag mo, baka kulangan ka rin sa lakas at panahon. ‘Yun lang!

4. ‘PAG MAY TIYAGA, MAY NI­LAGA. Lahat tayo ay may tsansang manalo sa lotto pero hindi puwedeng umasa lang dito. Ang buhay ay hindi natin dapat iasa lang sa suwerte dahil sa totoo lang, ang pagiging masipag sa trabaho at disiplina sa pag-iipon ang kailangan natin para magkaroon ng maginhawang buhay. ‘Ika nga, no pain, no gain.

5. KUNG MAY ITINANIM, MAY AANIHIN. Ibig sabihin, ang mga aksiyon mo ngayon ay may epekto sa kinabukasan mo kaya kung hindi ka nag-ipon ngayon, baka pagtuntong mo ng senior citizen ay kumakayod ka pa rin. Ngayon palang, mag­simula ka nang magtabi para sa iyong retire­ment fund o pag-aaral ng iyong mga anak para pagdating ng panahon ay may aanihin ka.

Ang mga kasabihang nabanggit ay pu­num­puno ng kaalaman at inspirasyon tung­kol sa pag-iipon. Kapag nawawalan ka ng motibasyon para mag-ipon, basahin lamang ang mga ito gayundin, make sure na isasabuhay n’yo, ha? Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page