top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pagkapaos at hirap sa paglunok, sintomas ng kanser sa Thyroid

Dr. Shane Ludovice, M.D.
Sep 24, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane, May nakakapa akong bukol sa aking leeg kaya nagpa-check-up ako. Ang sabi sa akin ay kailangan daw akong i-biopsy para malaman kung ito ay kanser o hindi. Okay lang ba na ma-biopsy, hindi ba ‘yun nakakatakot? — Janella

Sagot Kapag may nakitang bukol sa thyroid, tinatanong agad ng pasyente kung ito ba ay ordinaryong bukol o kanser. May mga bukol na iba ang hitsura sa ultrasound at mataas ang tsansa na cancerous ito.

Walang ibang paraan para malaman kung ang bukol sa thyroid ay kanser kung hindi ito tutusukin para makakuha ng kaunting laman at ma-test ng pathologist — ito ang tinatawag na ‘fine needle aspiration biopsy’.

Karamihan sa mga pasyente, natatakot at tinatanong kung ligtas ang magpa-biopsy. Noong araw, malalaking karayom ang ginagamit kaya may ganu’ng posibilidad. Pero ngayon, manipis o fine needle na ang ginagamit.

Narito ang iba’t ibang klase ng kanser sa thyroid:

  1. Papillary thyroid cancer

  2. Follicular thyroid cancer

  3. Medullary thyroid cancer

  4. Anaplastic thyroid cancer

  5. Thyroid lymphoma

Ano ang mga sintomas ng kanser sa thyroid?

Puwedeng walang maramdamang sintomas maliban sa mabilis na paglaki ng bukol sa thyroid. May iba na nagiging paos ang boses o nahihirapang huminga o lumunok kapag malaki na ang bukol sa thyroid.

May 5% ng mga bukol na nakakapa sa thyroid ay cancerous. Ibig sabihin, kung may 100 katao na may bukol sa thyroid ay 5 lamang dito ang may kanser, pero hindi natin ito malalaman base lamang sa hitsura nito sa ultrasound kaya hindi dapat matakot magpa-biopsy. Tandaan, na hindi dapat ipinagpapaliban ang isang bagay na may kaugnayan sa kalusugan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page