top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ninja cops, palipat-lipat ng assignment kaya malalakas ang loob

Ka Ambo
Sep 24, 2019
2 min read

Gumuho ang isang hotel sa Maynila.

Nasobrahan nang yugyog ang mga sobrang nagmamahalan.

He-he-he!

◘◘◘

HINA-HUNTING na naman ang mga ninja cops.

Nagha-hunting-an “sila-sila”.

Ha-ha-ha!

◘◘◘

ANG mga “ninja cops” ay hindi gumagamit ng pintuan, pader ang kanilang inaakyat.

Nakamaskara sila ng itim na walang nakakakilala.

Unang nabuo sa Maynila ang mga “ninja cops” kung saan sumikat ang dating Manila’s Finest!

◘◘◘

NANG magkaroon ng “Integrated National Police”, naililipat sa ibang distrito ang mga parak. D’yan nagkaroon ng “sangay o sungay” ang mga "ninja cops" kaya kumalat sa iba’t ibang lugar.

Kung gaano kadulas ang palos, ganundin ang mga “ninja cops” na unang ibinunyag ni P-Digong sa resiklo ng droga at iba pang “bantay-salakay” operasyon!

◘◘◘

DINISARMAHAN na naman ni NCRPO Director Gen. Guillermo Eleazar ang ilang natutulog na pulis habang naka-duty.

Si Gen. Eleazar, hindi natutulog, gumagala siya para hulihin ang mga “natutulog”!

◘◘◘

ANG orihinal na konsepto ng “internal cleansing” ng PNP ay mula kay Gen. Eleazar nang siya pa ang hepe ng QCPD.

Ito ang epektibong pangontra sa pesteng mga “ninja cops”!

◘◘◘

GUSTO ng isang U.S. senator na palayain si Senadora Leila de Lima.

Paano kung irekomenda ng Philippine Se­nate na paimbestigahan ang naturang tolonges na U.S. senator?

◘◘◘

MAGPAPADALA ang U.S. ng tropa sa Saudi Arabia para salakayin ang Iran.

Bakit hindi na lang nila idiretso sa Tehran ang U.S. troops para magkaalaman na?

◘◘◘

KAHIT may ASF, diretso lang sa paglantak ng litson ang mga Pinoy.

Gusto nilang pumunta nang maaga sa impiyerno!

◘◘◘

INAPURA ng Kamara ang pagpapatibay ng P4 trillion 2020 National Budget .

Baka raw kasi “makontamina” ng ASF ang nakatagong “pork”!

◘◘◘

KAPAG nahawa ng polio si P-Digong, ano ang tawag sa kanya?

‘Yan ang aktuwal na “lame duck president”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page