Nakunan sa panaginip sign na maselan ang pagbubuntis
- Socrates Magnus
- Sep 24, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Thel ng Ethel _Noval@facebook.com
Dear Professor,
Apat na buwan na akong buntis at nanaginip ako na maliligo na raw ako, tapos, biglang nalaglag ang baby ko kasama ang inunan pero, buhay pa ‘yung baby at gumagalaw.
Tinatawagan at tinext ko ang asawa ko pero hindi siya sumasagot. Hindi ko na alam ang gagawin ko at iyak ako nang iyak hanggang sa nagising ako at tumayo.
Hinahanap ko ‘yung sanggol pero panaginip lang pala ang lahat ng ‘yun. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Maraming salamat po!
Naghihintay,
Thel
Sa iyo, Thel,
Ayon sa iyong panaginip, maselan ang pagbubuntis mo. Ibig sabihin, kailangan ng pampakapit ng baby mo.
Narito ang iba mo pang kailangan:
Cellphone numbers ng iyong OB-Gyne.
Kasama sa bahay pero huwag ang mga maid. Magandang ang isama mo ay mga nakatatandang kaanak na may karanasan na sa panganganak.
Libangan habang nasa bahay. Ibig sabihin, kung may trabaho ka, kailangan mo munang mag-leave.
Bawal kang manood ng mga palabas na makapagpapataas ng adrenalin mo, gayundin, bawal ang mga show na maaaring makapagpatawa nang sobra sa iyo.
Isa lang ang paniwalaan mo at hingan ng payo at ito ay ang iyong pinagkakatiwalaang OB-Gyne.
Huwag kang tumulad sa iba na napagagalitan ng kanilang OB dahil nakikinig at naniniwala sila sa mga nababasa at nakikita sa internet.
Kumain ka ng mga gulay kahit hindi ka lumaki na kumakain ng mga gulay. Sa ngayon, kahit hindi ka sanay kumain ng mga ito, magsakripisyo ka para sa baby mo.
Mabuting makinig sa payo ng panaginip dahil ang mga ito ay hindi nagsisinungaling. Kaya muli, kailangan mong magdoble-ingat sa iyong pagbubuntis.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo








Comments