top of page
Pokwang.jpg

Nadala na raw siya… Ethel, ipinagkalat na 1 taon na, 'di pa rin binabayaran ng show ni Luis

Beth Gelena
Sep 24, 2019
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Sa social media account ni Ethel Booba ay nag­labas siya ng hinaing hinggil sa hindi pagba­bayad ng network nu’ng siya ay nag-guest sa kanilang show.

Ani Ethel, “Kaya nakakatamad na mag-guest sa TV show kasi merong iba d’yan, mag-almost 1 year na, ‘di pa ma-claim ang TF. Sunod, meron ding more than 5 months na ata. Sa Skyle na lang talaga ako mag-show C2C. Astig sa astig lang. Charot!”

Eh, binuyo siya ng netizen na pa­nga­lanan ang show kaya na-challenge ang comedienne-actress.

Sabi ni Ethel, “Minute to Win It. Ilang minutes ako nag-antay sa bangko, wala pa rin pala, eh, mag-1 year na. Charot!”

Ang ibang netizens, si Luis Man­zano ang sinisi dahil siya ang host ng nasabing show.

Hindi naman idinadamay ni Ethel ang mahusay na host dahil isang talent lang din si Luis at empleyado ng network.

Totoo ngang walang kasala­­nan si Luis at hindi siya ang pun­tirya ni Ethel kundi ang management ng show.

Isang netizen ang nagbiro na kung hindi raw ma-solve ni Ethel ang kanyang problema ay mag­sumbong siya kay Tulfo, baka sakali raw matulungan siya.

Eh, ‘di lang naman daw si Ethel ang may ganyang problema, sabi ng isa pang netizen na may konek­siyon din sa showbiz.

Aniya, ‘yung isa raw na kakilala niya, three years ago nang nag-concert na hanggang ngayon ay ‘di pa rin nababayaran.

“Kahit nga ‘yung mga concerts na ginagawa nila, sobrang tagal (nilang) magbayad. Buwisit! 3 years ago na yata ‘yung ginawang concert sa kanila nu’ng kaki­lala ko, ‘gang ngayon ‘di pa bayad. Pati ‘yung balance sa nakaraang concert.”

May nagsasabi namang dapat daw ay si Luis na ang magbayad, na sa ganang amin ay ‘di dapat.

FYI lang po, walang kinalaman si Luis kung sino ang kuhaning guest ng MTWI dahil isang host lang po ang anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.

At ‘wag na rin po nating kuwestiyunin ang pagbibigay ng tulong ng TV host sa mga contestants.

Sa sariling bulsa din­u­dukot ni Luis ang perang iti­nutulong niya sa mga ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page