Motorsiklo sumalpok sa tricycle, 1 dedo, 2 sugatan
- Janice Baricuatro
- Sep 24, 2019
- 1 min read

Isa ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang sumalpok ang motorsiklo sa tricycle, alas-8:40 ng gabi, kamakalawa sa Governor’s drive, Purok 5, Bgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite.
Kinilala ang nasawi na si Gerry P. Buenaflor, 33, steelman ng Timalan, Balsahan, Naic, Cavite habang kritikal at wala pang malay ang backride nito na hindi pa nakikilala sa kasalukuyan.
Samantala, sugatan din ang driver ng tricycle na si Reynaldo Lipata, 51, ng Caloocan City.
Minamaneho ni Buenaflor ang kanyang motor na walang plaka nang bumangga sa likod ng tricycle ni Lipata kaya kapwa tumilapon ang mga nasa motorsiklo. Pinaniniwalaang lasing ang driver ng motor kaya bumangga sa tricycle.





Comments