top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga taong kuwatro, mahihirapan muna bago magtagumpay at yumaman

Maestro Honorio Ong
Sep 24, 2019
3 min read

Dear Maestro,

November 22, 1986 ang birthday ko. Ano ang ibig sabihin ng birthday ko, ma­las ba ito o suwerte? Kasi ka­hit ano ang gawin kong pagsisikap, palaging may pagsubok na dumarating sa buhay ko. Paano ko mai­iwa­san ang mga kamala­san at paano kaya ako su­su­wertehin?

Umaasa,

Eloisa ng San Juan, Agno, Pangasinan

Dear Eloisa,

Talagang ganyan ang mga taong may bitbit na nu­me­rong 22 o 4 (ang 22 ay 2+2=4) sapagkat sila ay idi­naraan ng tadhana sa mga pagsubok upang kapag na­lag­pasan n’yo ‘yan, mala­king tagum­pay ang kasunod na tiyak na magpasasaya sa inyo. Para ring mga taong otso ang bu­hay ng mga ta­ong kuwatro dahil ang 4+4 ay 8. Pero, mas masaya ang mga taong ku­watro kung iku­kumpara sa taong otso.

Kung ang taong otso ay yumayaman, ang taong ku­watro ay ganundin. At iyon ang hindi alam ng mga taong kuwatro. Nakatakda silang yu­maman sa panahong ita­takda ng tadhana kaya ma­­raming pagsubok ang duma­rating sa kanilang bu­hay. Kum­baga, sa isang ma­ru­­ming ginto na napulot sa ilog, kailangan muna itong salain upang kuminang at maging mamahaling alahas.

Sa paggawa ng espada, walang iniwan sa pangkara­niwang bakal. Kailangan itong pukpukin nang husto, ida­rang sa napakainit na apoy at muling pupukpukin hang­gang sa kuminang. Kapag ma­talim na ang nasabing bakal, muli itong hahasain upang ku­minang at doon mo maa-ap­preciate ang kan­yang ganda kung saan ang maruming bakal ay naging maningning na espada.

Ganyan ang nagiging buhay ng mga taong ku­watro at otso, habang pinu­pukpok nang pinupukpok ng mga pagsubok sa buhay, mabilis silang tumatakbo at sumu­suko. Hindi pa sila na­giging ganap na espada, wa­sak na agad ang kanilang pagkatao. Ano ngayon ang dapat gawin ng mga taong otso at kuwatro upang ma­kamit ang kanilang “full po­tential” sa buhay na inilaan ng tadhana?

Para sa mga taong ku­watro, sa panahong binibira kayo ng mga pagsubok, hin­di masamang kumapit sa pre­sen­siya ng Diyos. Hindi lehi­timong Diyos ang sina­sabi natin dito kundi ang hi­waga ng ritwal ng relihiyon. Kahit anong relihiyon, basta ang ma­halaga ay ma-involve kayo sa samahang sibiko o pang-espiritwal na gawain na may layuning tumulong sa kapwa at nanganga­ila­ngan.

Ang samahang iyon ang magsisilbing “outlet” ninyo upang mabawasan ang mga kamalasang duma­rating sa inyong buhay. Isang hindi nakikitang “outlet” upang ma-dispose ang in­yong mga problema at unti-unting ma­parami ang mga kamalasang kinahaharap sa kasalu­ku­yan. Habang nasa isang pang­kat kayo ng sa­mahang pangreli­hiyon, da­pat n’yo ring iwa­san ang kai­moralan at pagla­bag sa ba­tas. Sa ganu’ng pa­raan, unti-unti na kayong su­su­wertehin at magtatagum­pay sa buhay.

Kaya sa mga taong ku­watro na bigo sa buhay sa nga­­yon, may panahon pa kayo upang sumali sa civic organization na may layu­ning tumulong sa kapwa at maglingkod sa mga mahihi­rap. Sa pamamagitan ng rit­wal ng samahang iyon, ma­kakamit ninyo ang kapa­na­tagan ng puso at isi­pan, gayundin ang kapahi­ngahan ng inyong puso na mag­da­dala sa inyo sa mala­king ta­gumpay at wagas na kali­gayahan.

Sa kaso mo, Eloisa, bu­kod sa nasabing simpleng pang-alis ng kamalasan sa itaas, puwede ka ring mag­suot ng kulay dilaw, pula, powder blue at violet. Sa pa­mamagitan ng mga kulay na nabanggit, madali mong ma­sasagap ang suwerte at ma­gan­dang kapalaran.

Habang, ayon sa Deca­dens ng Kapalaran, kung ngayon pa lang ay susundin mo na ang mga simpleng su­hestiyong nabanggit, tiyak ang magaganap, sa taong 2020 sa edad mong 34 pata­as, makaaahon ka na sa mga problema at mabibigat na pag­­­subok ng buhay hang­gang sa unti-unti ka nang umunlad, magiging masa­gana, mali­gaya at mata­gum­­­pay, habam­buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page