Magpuputulan ng signal sa PSL: HD Spikers vs. Fibrs


Matapos ang impresibong laro noong nagdaang conference, nagmartsa pabalik sa giyera ang Cignal para harapin ang PLDT Home Fibrs sa opening salvo ng Philippine Superliga Invitational Conference ngayon sa Bacoor Strike gym sa Cavite.
Magsisimula ang aksiyon ng 6 p.m. kung saan hawak ng HD Spikers ang momentum sa championship run sa All-Filipino Conference ng prestihiyosong women’s club league.
Aaksiyon din ang Marinerang Pilipina, kontra Generika-Ayala ng 2 p.m., habang ang Foton ay kalaban ang Sta. Lucia sa 4 p.m. second game ng ekplosibong opening triple-header. Ang opening ceremonies ay nakatakda sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang lakas ng roster ay binubuo nina Filipino-American setter Alohi Robins-Hardy at veteran Jovelyn Gonzaga, Rachel Anne Daquis, Mylene Paat at Jheck Dionela, habang ingat din sila HD Spikers nang kanilang kalusin ang Petron sa korona at pumalaot sa finals ng All-Filipino Conference noong nakaraang buwan.
Bagamat lagpak sila sa mas solidong F2 Logistics squad, malakas pa rin ang hatid ng Cignal na hinog na sila para sungkitin ang titulo. At aminado si Daquis na may pressure sa kanila sa pagpasok sa brand-new conference. “Yes, there is pressure. It will always be there,” ayon sa skipper, na nagsilbing league ambassador. “But we’re not letting that pressure get into our heads. We’re just focussed on one goal and that is to win the championship.”
Idinagdag ni Daquis na ang kanilang title run ay nagsisilbing pampalakas ng kanilang loob at morale. “Coming from a successful run in the All-Filipino Conference, the experience made us realized that we could do anything for as long as we put our hearts and minds into it.”
Totoong, higit na eksperyensado ang HD Spikers at mas may maturity sa laro sa Initationals. Sina Gonzaga, Paat, Robins-Hardy at Roselyn Doria ay nanggaling sa matagumpay na laro sa unang leg ng Asean Grand Prix sa Nakhon Ratchasima, Thailand, bagay na kinakailangan nila para sa dagdag na exposure habang wala pang liga.
Natalo ang Pilipinas sa magkasunod na matches sa Indonesia at Thailand pero nakaalagwa pa sa five-set na laban sa Vietnam at naiuwi ang bronze medal. Dahil diyan, aminado si PLDT coach Roger Gorayeb na magiging handa na sila kontra HD Spikers at sa iba pang league heavyweights tulad ng Petron at F2 Logistics.





Comments