top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 pang kasama ginulpi.. Mister pinagtripan ng mga lasing, todas

Maeng Santos
Sep 24, 2019
1 min read

Dedo ang 50-anyos na lalaki habang sugatan ang dalawang kasama nito matapos umanong pagtripang bugbugin ng apat na lasing sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo si Richard Gregorio, habang nagtamo naman ng bugbog sa mukha sina Simplicio Navarro, 49, at Luisito Bayan, 50, ng Malabon City.

Kinilala naman ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang mga naarestong suspek na sina Rolly John Alave, 24; Raky Pacite, 24; Benmar Caritay, 23, at Rogelio Barraquillo, 20.

Alas-3:00 ng madaling-araw, naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Mc- Arthur Highway sa harap ng Monumento Circle nang harangin ng lasing na mga suspek saka kinumpronta sa hindi malamang dahilan.

Pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang mga biktima kung saan pinalo ng matigas na bagay sa ulo sina Gregorio at Navarro na naging dahilan upang mawalan ng malay.

Isinugod ang dalawang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na umabot nang buhay si Gregorio habang humingi ng tulong si Bayan sa mga tauhan ng MPU at TMRU na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page