Pinag-iwanan ng will na hindi ibibigay sa tamang tao ang habilin ng namatay, makukulong

Dear Chief Acosta,
Maaari bang makulong ang taong mayroong kustodiya sa “will” (huling habilin) kung hindi siya tumugon sa utos ng korte na i-deliver o i-submit ito, kaugnay ng probate proceedings? — Corazon
Dear Corazon,
Para sa inyong kaalaman, ang Section 5, Rule 75 ng Rules of Court ay angkop sa inyong suliranin. Ayon sa nasabing probisyon:
“RULE 75
Production of Will. Allowance of Will Necessary
x x x x
Section 2. Custodian of will to deliver. – The person who has custody of will shall, within twenty (20) days after he knows of the death of the testator, deliver the will to the court having jurisdiction, or to the executor named in the will.
x x x x
Section 5. Person retaining will may be committed. — A person having custody of a will after the death of the testator who neglects without reasonable cause to deliver the same, when ordered so to do, to the court having jurisdiction, may be committed to prison and there kept until he delivers the will” (Binigyang-diin).
Malinaw sa nabanggit na ang taong mayroong kustodiya sa will ay mayroong obligasyong isumite sa korte o sa executor na nakapangalan sa will, sa loob ng 20 araw mula nang kanyang malaman ang pagpanaw ng testator. Ang hindi niya pagtalima rito nang walang sapat na dahilan ay maaaring magresulta sa kanyang pagkakakulong hanggang sa kanyang maisumite ang will sa korte.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments