top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga sikat na artistang huli sa droga, nakakalaya, ordinaryong tao, kundi kulong, patay!

Ryan B. Sison
Sep 23, 2019
2 min read

“Nasaan ang hustisya?”

Ito ang sigaw ng pamilya ng mga ordinaryong mamamayan na nasangkot sa droga.

Matapos umingay ang pangalan ng ilang kilalang personalidad na nasangkot sa ilegal na droga kamakailan, nakatanggap ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Noon pa man, may mga artista nang nasasangkot sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga, na-rehab, nakulong at nakalaya. Ngayong taon, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa 31 artista ang nasa kanilang drug watch list.

Hindi pa man pinapangalanan ang mga naturang artista, maraming nagsasabi na dapat matugis ang mga ito habang may mga humihirit ng malalim na imbestigasyon para makumpirma kung dapat managot ang mga ito.

Bagama’t, nakikita nating ginagawa ng mga awtoridad ang lahat ng kanilang makakaya para matugis ang mga nasa likod ng illegal drug trade sa bansa, may tanong ang publiko.

Bakit kapag kilalang personalidad ang nasasangkot sa ilegal na droga at napan, may tsansang makalaya at bumalik sa industriya, pero kapag ordinaryong mamamayan, ikinukulong agad at minsan, ‘yung mga napagbibintangan ay napapatay pa?

Gusto nating lahat na mawala ang illegal drug trade sa bansa, pero sana, gawin ito sa tamang paraan at panagutin ang mga dapat managot, anuman ang kanilang estado sa buhay at kinabibilangang industriya.

Marami nang ordinaryong mamamayan ang nakulong at binawian ng buhay dahil sa war on drugs kaya ang panawagan sa kinauukulan, pagtugis sa mga sangkot sa droga, maging patas at makatarungan sana!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page