top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kolektor ng jueteng niratrat, utas

Jeff Tumbado
Sep 23, 2019
1 min read

Isang umano’y kolektor ng jueteng ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa natutukoy na salarin habang ito ay nagre-remit ng kanyang koleksiyon mula sa mga taya para sa nabanggit na ilegal na sugal sa Lucena City.

Dead-on-the-spot si Erwin Suarez, 23, sanhi ng apat na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa report kay Police Lt. Col. Reydante Ariza, pinagbabaril si Suarez habang ito ay sakay sa kanyang kotse sa Bgy. Uno, pasado alas-9:00 ng gabi ng Sabado.

Inabangan ang biktima ng dalawang salarin na sakay sa isang motor hanggang sa buntutan at nang makatiyempo ay pinagbabaril.

Sinasabing naharap sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling ang biktima dahil sa ilegal na operayson ng STL noong taong 2015, 2016 at 2017.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page