Buking, nagamit na ng contestant sa Mutya ng Pilipinas… Kim, proud na proud sa grown sa ABS-CBN Bal

Kontrobersiyal pa rin ang gown ni Kim Chiu na isinuot sa ABS-CBN Ball last week. Ito nga ‘yung gown designed by local designer na si Benj Leguiab IV at pinaglaruan sa internet na ginawan ng maraming memes.
Ang latest issue naman ngayon, hindi raw talaga ginawa exclusively for Kim ang nasabing gown dahil last year ay ganitong disenyo rin ang isinuot ng isang kandidata sa Mutya ng Pilipinas made by the same designer.
Nakita namin ang larawan ng kandidata wearing that gown at pareho nga ng design with less details on the mermaid-tail.
Proud na proud pa naman si Kim na ikinuwento sa kanyang vlog na 2 months daw na pinaghirapang gawin ng designer ang kanyang gown na akala niya marahil ay exclusive lang sa kanya ang design. Sey pa niya, “meant to be” raw sa kanya ang naturang gown.
“I just wanna say thank you to my team who worked so hard for my look thank you @benjleguiab_iv for making this gown for almost 2 months, hand crafted, beautifully beaded piece by piece saw how you worked hard for this, thank you,” post pa ni Kim sa kanyang Instagram.
Sa IG account naman ni Benj Leguiab IV ay nakalagay ang detalye ng gown ni Kim na tinawag niyang Traje de Magdalena at aniya, nagpapakita ito ng “brave and strong Filipina” like Magdalena Estiosta Leones na naging inspiration niya sa design.
“Materials: 24 different types of beads glass, Pearls and Swarovski crystals and others…” ang bahagi ng deskripsiyon ng designer sa gown ni Kim.
Well, okay lang naman sa mga designers ang mag-ulit ng design or i-retouch ito pero kung kasingsikat namang tulad ni Kim ang magsusuot, mas maganda siyempre kung original ang design at hindi nagamit na.





Comments