top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 NPA, todas sa militar

  • Jeff Tumbado
  • Sep 23, 2019
  • 1 min read

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa panibagong engkuwentro sa pagitan ng militar sa Catanduanes, kahapon.

Ayon kay Army Lt. William Hiponia, nagsasagawa ng combat operation ang kanyang tauhan katuwang ang Provincial Mobile Force Company ng Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) at Panganiban Municipal Police sa Bgy. Taopon nang makasagupa ng mga ito ang nasa pitong rebelde, bandang ala-1:00 ng madaling-araw.

Matapos ang sampung minutong bakbakan ay bumulagta ang dalawang hindi pa makilalang rebelde.

Umatras ang kalaban kung saan iniwan na ang napatay nilang kasamahan at maging ang ginamit na AR15 assault rifle at iba’t ibang mga bala sa encounter site.

Patuloy pa ang pagtugis ng militar at pulisya sa mga nagsitakas na kalaban na sinasabing patungo sa bundok na sakop ng katabing bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page