top of page
Pokwang.jpg

Supply ng hamon sa pasko, tagilid dahil sa ASF

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 22, 2019
1 min read

Lumawak pa ang epektong dulot ng African Swine Fever (ASF).

Bukod sa hog industry, sapol din ang industriya ng processed meat.

Tinatayang nasa 10,000 potensiyal na trabaho ang maaaring mawala dulot ng takot sa ASF.

Kung saan magbabawas umano ang mga manufacturers ng produksiyon ng hamon ngayong kapaskuhan dahil sa inaasahang epekto ng ASF sa kanilang benta.

Sampu hanggang 15 porsiyento ang sigurado umano ng mababawas sa nationwide sales ng processed meat dahil sa pork ban ng Cebu at Bohol.

Kaya para hindi lumala ang pagkalugi, babawasan din nila ang produksiyon ng hamon na posibleng makaapekto sa hiring ng mga seasonal workers.

Ang masaklap ay kung magresulta pa ito sa pagbabawas ng empleyado, huwag naman.

Nais namang linawin na walang dapat ikabahala sa pagkain ng mga processed meat dahil niluluto ito sa temperaturang 75 to 116 degrees, mas mataas sa 60 degrees na kailangan para mapatay ang ASF virus.

Kaya umaapela na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte na mamagitan na para hindi na maaapektuhan ng ASF scare ang industriya na nagbibigay ng P300 bilyon sa ekonomiya kada taon.

Kung magpapatuloy ang problema sa ASF, tiyak na marami pa ang maaapektuhan at ang taumbayan din ang kawawa.

Habang nalulugi ang hog industry, magtataasan naman ng presyo ang ibang bilihin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page