Para sure na enjoy at hassle-free… Mga dapat ihanda bago mag-travel abroad


Habang nalalapit ang Pasko, for sure, marami nang nagbabalak magbakasyon sa loob at labas ng bansa. Para sa mga may balak mag-out of the country, nakae-excite, ‘di ba? Pero ang tanong, ready na ba ang inyong checklist? Kung hindi pa, worry no more dahil narito ang ilang reminders para sa inyong hassle-free travel:
1. MAG-RESEARCH. For sure, hindi lahat ng tungkol sa bansang pupuntahan mo ay alam mo na kaya kailangan mong mag-research. Kasabay nito, planuhin na rin ang iyong itinerary para maging organized at walang masayang na oras sa bakasyon. Nariyan ang internet para tingnan ang must-see destination sa pupuntahan mo.
2. MAAGANG BUMILI NG TICKET. May mga tourist spots tulad ng park o museum na nagre-require ng advanced booking para makapasok. Kasabay ng pagre-research, alamin kung kailangan ng advanced booking o walk-in at iba pang guidelines ng balak mong bisitahin. Sa ganitong paraan, alam mo na kung ano ang dapat mong asahan pagdating sa destinasyon.
3. ALAMIN ANG CURRENCY. Mga besh, hindi lahat ng bansa ay tumatanggap at pamilyar sa Philippine peso o Php kaya mabuting alamin ang currency exchange sa bansang pupuntahan mo. Sa ganitong paraan, maba-budget mo ang iyong pocket money, gayundin upang hindi ma-short ang ipapapalit na pera.
4. MAGDALA NG EXTRA COPIES NG MGA DOKUMENTO. Passport, visa, hotel booking, plane tickets at IDs. Kung ready na ang mga ito para sa iyong out of the country trip, make sure na meron kang extra copies ng mga ito. Kung may iba ka pang kasama, mabuting magkaroon ng tig-iisang kopya ang bawat isa. Sakaling maligaw, madaling makahihingi ng tulong dahil sa mga impormasyong ito.
5. MAGBAON NG SARILING GAMOT. For sure, kahit saan tayo mapunta ay may drugstore, pero, mabuti nang maging handa sa posibleng mangyari. Maghanda ng gamot para sa sakit ng ulo, katawan, tiyan at allergy. Mahirap magkasakit, lalo na kung wala ka sa bahay kaya make sure na magiging handa kayo sa pamamagitan ng mga ito. Okie?
6. MAGDALA NG EKSTRANG DAMIT SA HAND CARRY. Para sa mga sasabak sa mahabang biyahe, mabuting magkaroon ng mga ekstrang damit para maiwasang maghalungkat sa kalagitnaan ng biyahe. Gaanuman kahaba ang biyahe, magsuot ng simple at komportableng damit para makagalaw nang mabuti kahit nasa biyahe. Pass muna sa airport OOTD dahil ang priority mo ay maging komportable.
Sobrang dali lang, ‘di ba? Kaya mga beshies, kung nagsisimula na kayong maghanda para sa inyong mga travel abroad, sana ay makatulong ang ilang tips na ito sa inyo. Gayundin, huwag n’yong kalimutang ibahagi ang mga ito sa mga kakilala ninyong magta-travel. ‘Ika nga, sharing is caring. Ingat sa biyahe, ka-Bulgar!





Comments