top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nangangalakal, nilikida ng riding-in-tandem

  • Pabs Hernandez III
  • Sep 22, 2019
  • 1 min read

Sultan Kudarat—Isang nangangalakal ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Tinaungan, President Quirino.

Ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa ulo at likod ay nakilalang si Alexander Manuel, residente ng Bgy. Tambak, Lambayong sa nasabing lalawigan.

Batay sa imbestigasyon, habang lulan ng kanyang pedicab si Manuel ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima at makilala ang pagkatao ng mga salarin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page