top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Miyembro ng basag-kotse, todas sa pulis

  • Mylene Alfonso
  • Sep 22, 2019
  • 1 min read

Todas ang isang miyem­bro ng Basag-Kotse makaraang man­laban sa mga tauhan ng Manila Police District-Sta­tion 9 nang sita­hin mata­pos maaktuhan sa tang­kang pagbasag sa sala­min ng isang sasak­yan, kahapon ng mada­ling-araw sa Malate, Ma­nila.

Inilarawan ni PLt. Col. Rchard Ian Ang, ang suspek na nasa edad 30-35, may tattoo sa dibdib na Boy Cadua at Charben Duarte sa tiyan, nakasuot ng itim na t-shirt at purple na shortpants na namatay dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Batay sa imbesti­gas­yon, ala-1:45 ng mada­ling-araw nang mangyari ang insidente sa nabang­git na lugar. Nauna rito, nagsa­sagawa ng anti-crimi­nali­ty operation ang mga tauhan ng MPD-PS 9 nang pagsapit sa lugar ay nakita ang suspek sa ak­tong binabasag ang pas­sen­ger window ng itim na To­yota Fortuner na naka­parada.

Sinita umano ng mga pulis ang suspek at sa aktong aarestuhin ay bumunot ng baril at pina­putukan ang mga pulis na nagmintis dahilan para gumanti ang mga awto­ridad dahilan kaya tina­maan ang suspek.

Dinala pa ng crew ng MC 178 na si PCpl. Jeffrey Espino, ang sus­pek sa Ospital ng Maynila pero, idinek­la­rang dead on arrival.

Narekober mula sa sus­pek ang .38 revolver at anim na bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page