Metro Manila, bulok kung hindi nangyari ang Martial Law
- BULGAR

- Sep 22, 2019
- 1 min read
Bawal daw ang diktador.
Sabihin ninyo ‘yan sa mga tatay n’yo!
◘◘◘
KUNG may pinakamagandang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang panahon ng Martial Law.
Mas marami ang nakinabang kaysa sa naperhuwisyo sa deklarasyon ng Batas-Militar!
◘◘◘
KUNG hindi nagdeklara ng Martial Law, hindi magkakaroon ng ganap na land at agrarian reforms.
Mananatiling pag-aari ng Simbahang-Katolika ang libu-libong ektaryang bukirin na binubungkal ng mga magsasaka.
Mananatiling alipin ang magsasaka ng mga asendero na hanggang ngayon ay may kontrol ng ekonomiya ng Pilipinas!
◘◘◘
KUNG walang Martial Law, ang Pilipinas ay hawak ngayon ng CPP-NPA-NDF.
Walang kongkretong programa ang mga komunista hanggang ngayon tulad nang maupo ang mag-inang Aquino!
◘◘◘
KUNG hindi nagkaroon ng Martial Law, walang makikitang reclamation area sa Roxas Boulevard na inaari ng mga dambuhalang korporasyon.
Isang bulok na rehiyon ang Metro Manila kung walang Martial Law!
◘◘◘
KUNG walang Martial Law, walang libu-libong OFWs sa iba’t ibang bansa.
Kung walang Martial Law, walang maayos na takbo ang mga baryo sa Pilipinas!
◘◘◘
KUNG walang Martial Law, hindi mabibigyan nang maayos na tirahan ang mga taga-Tondo at taga-Caloocan dahil walang relocation site sa iba’t ibang lalawigan.
Kung walang Martial Law, mawawalan ng disiplina ang AFP at PNP!
◘◘◘
KUNG walang Martial Law, paano na ang mga titser na dati-rating hindi tumatanggap ng maayos na suweldo?
Paano ang mga manggagawang dating walang minimum wage at busabos ng mga kapitalista?





Comments