Mapupulang kamatis na singlaki ng apple, sign na mas susuwetehin sa foreigner
- BULGAR

- Sep 22, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Nida ng Nida_Quimpo@facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako ng puno ng kamatis. Pulang-pula ang mga bunga at napakaganda ng pagkakahinog nila, gayundin kasinlaki ng apple ang mga bunga. Naghahanap daw ako ng panungkit. Nanaginip din ako ng durian. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Nida
Sa iyo Nida, Pinapayuhan ka ng iyong panaginip na makipagkaibigan ka sa mga foreigner at puwede mo itong magawa sa pamamagitan ng pakikipag-chat.
Gayundin, pinapayuhan ka na mag-ingat dahil may ilang foreigners na masama ang nasa isip kung saan ginagamit nila ang pakikipagkaibigan para gawin ang kanilang masamang balakin. Bagama’t, may mga totoong nakikipagkaibigan, hindi mo maiiwasan na maka-encounter ng masamang tao. Dahil dito, kapag masama ang kutob mo sa iyong ka-chat, burahin mo agad siya sa iyong friend list o i-block mo siya.
Ayon sa iyong panaginip, hindi lang isa dahil medyo marami ang matatagpuan mong tunay na nakikipagkaibigan gayundin, hindi ka lang sasaya dahil tatanggap ka pa ng mga biyaya mula sa kanila.
Kaya ano pa ang hinihintay mo? Makipagkaibigan ka na sa mga foreigner pero muli, palagi kang mag-ingat.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments