Lalaking may dalang payroll money, tinodas

Dedbol ang lalaking may dalang payroll money ng isang travel and tours nang pagbabarilin ng tatlong nakamotorsiklo sa Parañaque City, kamakalawa. Dead-on-the-spot ang biktimang si Michael Ângelo Mamuad, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklong walang plaka.
Sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril sa likod ng parking area ng City of Dreams, Macapagal Boulevard, panulukan ng Asean Avenue, Bgy. Tambo, ala-1:35 ng hapon. Ayon sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima nang sumulpot ang tatlong suspek at pinagbabaril si Mamuad.
May dala umano ang biktima ng hindi pa mabatid na halaga ng payroll money ng Excesoir Travel and Tours nang mangyari ang insidente kaya may hinala ang awtoridad na posibleng panghoholdap ang pakay ng mga salarin. Sinusuri pa ang CCTV footage sa malapit na mga establisimyento sa lugar.





Comments